LIBRENG SAKAY NG EDSA BUSWAY SA ILALIM NG SERVICE CONTRACTING PROGRAM, MAGTATAPOS SA IKA-31 NG DISYEMBRE 2022
Tigil-operasyon na ang Libreng Sakay sa EDSA Busway sa ilalim ng Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa ika-1 ng Enero 2023.
Sa inilabas na Board Resolution no. 189 s. 2022, mag-o-operate ang EDSA Busway sa ilalim ng Fare Box Scheme gamit ang Fare Matrix/Guide na aprubado ng LTFRB simula 5:00am ng ika-1 ng Enero 2023. Nasa kabuuang 550 Public Utility Bus (PUB) mula sa dalawang consortia ang tatakbo at maaring mag-operatte sa EDSA Busway.
Mapapalitan din ang ibang Point-to-Point Bus ng dalawang consortia sa EDSA Busway ng PUB Units na pasok sa specificaions ng iba pang PUB units sa naturang ruta. Ang mga ipapalit na PUB ay kailangang mag-apply ng Special Permit bago makapasada sa EDSA Busway.
Nakasaad din sa Board Resolution na lahat ng PUB units na bibiyahe sa EDSA Busway ay kailangan mag-apply ng Fare Matrix/Guide upang makasingil ng pamasahe sa mga pasahero. Ang Fare Matrix/Guide ay nagbibigay awtoridad sa mga PUV drivers na sumingil ng pasahe base sa fare rate na nakasaad sa naturang Fare Matrix/Guide.
Pinapaalala ng LTFRB sa mga PUB drivers na sumunod sa mga polisiya ng ahensya upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero. Ang sinumang mahuhuling lumalabag sa mga naturang polisiya ay papatawan ng karampatang parusa tulad ng pagkansela ng kanilang Certificate of Public Convenience (CPC) o prangkisa.